window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra?

Gilbert Chao · Jan 7, 2023 07:30 PM

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra? 01

Bakit nga ba kapag sa tren, bus or eroplano, ang “business class” ay sosyal, pero pag dating naman sa motorsiklo, kapag sinabing “business” wa-class? Ganyan tayo e, kung alin ang nagpapasok ng income, yun pa ang nilalait natin.

Ang mga motorcycle models sa business segment ay ang mga motor na dinisensyo para gamitin pang-deliver, pang-tricycle…sa madaling sabi, pang-trabaho. Kaya naman mas kilala ito sa tawag na “pantra”, for short.
 

Pero ngayong mas ginagamit na rin na pang-deliver ang mga underbone at scooters, parang mas na-limit na ang mga pantra sa tricycle use lang. Naging kaunti na rin ang business models options ng mga manufacturers. In fact, ang Suzuki nga ay recently in-abandon na ang segment na ito at inuubos na lang ang stock nila ng business models nila sa mga dealerships. Ito ang ilan sa mga pantra na available pa sa market.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Honda TMX125 Alpha 

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra? 01

Hindi katulad ng previous model na TMX155, ang TMX125 Alpha ay dinisensyo pang-solo use at walang side car. Mayroon itong 5th gear para pang long-distance cruising at 18-inch na gulong para sa high-speed stability. May kick starter din ito gaya nung naunang version pero ito ay hindi na naninipa pabalik at may electric starter na rin para mas convenient. Ang 125 cc na makina nito ay gumagamit pa rin ng push rod para game pa rin sa mabigat na kargahan.

Kawasaki Barako II

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra? 02

Ang heavy-duty na pantra na ito ay smooth ang takbo at tahimik ang makina. May abang ito sa frame para sa kabitan ng side car at may apat na shock absorbers sa likod. Kaya naman ito ay ginagawang “skylab” o habal-habal sa mga bundok na area ng ating bansa. Ang 177 cc na makina nito ay bagay sa mga akyatan na kalsada kahit mabigat ang karga. Mayroon ito kick start variant at electric start variant, pero huwag matakot sa kick start variant dahil mayroon itong Kawasaki Automatic Compression Release system kaya madaling sipain.

Suzuki GD 110

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra? 03

Ayon sa Suzuki, nag-discontinue na sila ng production ng kanilang business models, pero may mga natitira pa na stock sa kanilang mga dealerships. Kung ganoon ang GD 110 ay malapit na pala maging collectible na motor. At huwag din ismolin ang ang 112.8 cc na makina nito dahil kaya din nitong makipag-sabayan sa ibang pantra na mas mataas ang displacement, konting adjust lang tayo sa sprocket ratio.

Yamaha YTX 125

While supply lasts: laos na nga ba ang pantra? 04

Ito na siguro ang pinaka-mapormang pantra sa grupong ito pero hindi lamang ito pang pa-cute, game din ito mag banat ng buto. Kahit 125 cc ang makina nito ay may abang din ito para sa side car attachment ay apat din ang shock absorbers sa likod. May electric start ito para mas convenient pero may back-up na kick starter in case ma-diskarga ang baterya.

Marami nga sa ating mga riders ang pumipili ng mga mas modernong modelo ng motor sa pang araw-araw na gamit. Sino nga naman ang gusto sa matagtag na suspension at makapigil-hiningang drum brakes? Pero pagdating sa tibay at harabas factor, may tatalo na ba sa pantra?  

 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });