window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Turista Mode Kahit Tag-Ulan: Kamusta Naman Ang Bajaj RE sa Trapik at Baha ng Maynila?

Gilbert Chao · Oct 2, 2022 11:29 AM

Bajaj RE units parked along the perimeter wall of Intramuros 

Bajaj RE units parked along the perimeter wall of Intramuros

Kailan lang ay nag-conduct ng isang guided tour ang Bajaj Philippines (Trimotors Technology Corporation) sa mga tourist spots sa Maynila para mas mapakilala nila ang pinagmamalaki nilang three-wheeler, ang Bajaj RE at para na rin bigyang pagpapahalaga ang makasaysayang lungsod ng Maynila. "As we explore Manila, you could also get to know our best-selling three-wheeler, the Bajaj RE," sabi ni Jude Camus, AVP, Marketing, Bajaj Philippines. "In this tour, you will learn how enjoyable it is to go exploring the city streets of Manila riding what we call a Last Mile Transportation like our Bajaj three-wheeler," dagdag niya.

Jude Camus - AVP, Marketing, Bajaj Philippines

Jude Camus - AVP, Marketing, Bajaj Philippines

Ang event na ito na tinawag nilang "Byaheng Bajaj Manila TouRE" ay gumamit ng 16 na mga Fiesta-inspired na Bajaj RE units para ipasyal ang mga kasamang media at travel vloggers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa kapitolyo ng bansa. Ilan sa mga destinations sa aming ruta ay ang GomBurZa Monument, Rizal Monument, Chinatown Arch, Anda Circle at Fort Santiago.

16 na Bajaj RE ang aming sinakyan sa tour ng Maynila

16 na Bajaj RE ang aming sinakyan sa tour ng Maynila

18th-century cannons at Baluarte De Dilao

18th-century cannons at Baluarte De Dilao

Habang nasa kalagitnaan kami ang aming itinerary ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na siya namang nagdulot agad ng matinding trapik at pagbaha ng mga lansangan. Hindi naman ito naging problema para sa mga gamit naming Bajaj RE dahil kaya-kaya ng mga ito na lumusot sa masikip na daloy ng trapiko at lumusong baha. Kahit sa kasagsagan ng buhos ng ulan ay komportable naman kami at hindi kami nabasa.  

Bumuhos ang ulan

Ang mga Bajaj RE lumusom sa baha sa aming tour.

GomBurZa Monument

GomBurZa Monument

Ang Bajaj RE ay isang three-wheeler na naiiba sa nakasanayan nating conventional na tricycle na basically ay isang motorsiklo na kinabitan ng side car. Ang Bajaj RE ay may isang gulong sa harap at dalawang gulong sa likod. Sa halip na sa gilid ay nasa likod ng driver ang mga pasahero kaya mas balanse ang takbo at walang kabig. Mas maluwag din ang space nito sa loob kumpara sa mga sidecar ng tricycle. Komportable na makakasasakay dito ang tatlong regular size na pasahero. Ang makina ng Bajaj RE ay isang single-cylinder na 198.88 cc at may hatak ito na 17.1 Nm.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Fiesta-inspired Bajaj RE

Fiesta-inspired Bajaj RE

Para sa mga dagdag information tungkol sa Bajaj Three-wheelers, puwedeng bisitahin ang www.bajaj.com.ph o kaya ang kanilang FB page Bajaj Philippines.

Game ba kayo na mag-Manila tour sakay ng Bajaj RE? Puwede kayong mag-hire ng isa sa mga Fiesta-inspired na units na kasalukuyang pumapasada sa Manila at Pasay areas. 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });