window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Steady ka lang, malapit na maging available ang Bajaj Qute

Gilbert Chao · Jan 25, 2023 10:00 AM

Steady ka lang, malapit na maging available ang Bajaj Qute 01

Unang na-introduce and Bajaj Qute as RE60 sa India noong 2012 at since then naging usap-usasapan na ito globally dahil sa kakaibang character ng sasakyan na ito. Swak naman ang pangalan nito na Qute dahil ang cute talaga ng itsura nito. Pero ano nga ba ang Bajaj Qute?

Sa madaling sabi, isa itong motorsiklo na may body ng maliit na kotse. Quadricycle ang tawag ng Bajaj dito dahil para nga lang itong motor na may apat na gulong. Pinapatakbo ito ng cute din na liquid-cooled, 216.6 cc engine na kaya mag-produce ng 9.9 kW at 19.6 Nm.

Steady ka lang, malapit na maging available ang Bajaj Qute 02

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Halos kapareho nito ang makina ng mga Bajaj three-wheelers na madalas nating makita sa Tagaytay pero apat ang gulong nito at kasya din magsakay ng apat na katao. Ang Bajaj Qute ay may 5-speed manual transmission (sequential) at na may reverse gear, siyempre.   

Dapat sana ay ilalabas na ito dito sa atin ng Bajaj Philippines noong 2022 pero dahil on-going pa ang pagsasa-ayos ng LTO sa regulations para dito, bagong category nga kasi, ay nagdesisyon muna sila na i-postpone ang launch sa local market.

Steady ka lang, malapit na maging available ang Bajaj Qute 01

Pero hindi naman tayo dapat malungkot dahil ayon sa Bajaj Philippines ay ilalabas agad nila ang Qute once ma-plantsa na ang LTO regulations. Paalala din nila na mag-ingat sa mga nagbebenta ng Qute online dahil malamang ay scam ang mga ito dahil hindi pa nila ito na-release sa local market.

Nakaka-excite naman talaga itong Bajaj Qute dahil marami dito sa atin ang nangangailangan ng budget-friendly na 4-wheeler, kahit walang air-con. Puwede itong gamiting budget-taxi o kaya naman ay affordable na family car. Hindi pa makapag-bigay ng SRP ang Bajaj Philippines para sa Qute pero sa estimate namin ay siguro nasa ₱180,000 – ₱200,000 ito paglabas dito sa atin.

Sa ngayon ay abangers muna tayo sa mga updates. Tutok lang tayo sa Bajaj Philippines FB page o sa www.bajaj.com.ph.

 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });