Kailan lang ay nag-conduct ng isang guided tour ang Bajaj Philippines (Trimotors Technology Corporation) sa mga tourist spots sa Maynila para mas mapakilala nila ang pinagmamalaki nilang three-wheeler, ang Bajaj RE at para na rin bigyang pagpapahalaga ang makasaysayang lungsod ng Maynila. "As we explore Manila, you could also get to know our best-selling three-wheeler, the Bajaj RE," sabi ni Jude Camus, AVP, Marketing, Bajaj Philippines. "In this tour, you will learn how enjoyable it is to go exploring the city streets of Manila riding what we call a Last Mile Transportation like our Bajaj three-wheeler," dagdag niya.
Ang event na ito na tinawag nilang "Byaheng Bajaj Manila TouRE" ay gumamit ng 16 na mga Fiesta-inspired na Bajaj RE units para ipasyal ang mga kasamang media at travel vloggers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa kapitolyo ng bansa. Ilan sa mga destinations sa aming ruta ay ang GomBurZa Monument, Rizal Monument, Chinatown Arch, Anda Circle at Fort Santiago.
Habang nasa kalagitnaan kami ang aming itinerary ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na siya namang nagdulot agad ng matinding trapik at pagbaha ng mga lansangan. Hindi naman ito naging problema para sa mga gamit naming Bajaj RE dahil kaya-kaya ng mga ito na lumusot sa masikip na daloy ng trapiko at lumusong baha. Kahit sa kasagsagan ng buhos ng ulan ay komportable naman kami at hindi kami nabasa.
Ang Bajaj RE ay isang three-wheeler na naiiba sa nakasanayan nating conventional na tricycle na basically ay isang motorsiklo na kinabitan ng side car. Ang Bajaj RE ay may isang gulong sa harap at dalawang gulong sa likod. Sa halip na sa gilid ay nasa likod ng driver ang mga pasahero kaya mas balanse ang takbo at walang kabig. Mas maluwag din ang space nito sa loob kumpara sa mga sidecar ng tricycle. Komportable na makakasasakay dito ang tatlong regular size na pasahero. Ang makina ng Bajaj RE ay isang single-cylinder na 198.88 cc at may hatak ito na 17.1 Nm.