window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Bajaj RE: Hindi Lang Pang TODA, Pang Turismo Pa

Gilbert Chao · Sep 6, 2022 11:30 AM

Bajaj RE: Hindi Lang Pang TODA, Pang Turismo Pa 01

Mga Fiesta-themed na Bajaj RE units na Umiikot sa Pasay-Manila Tourist Spots

Maraming tourist, local man o foreign, ay kino-consider ang Pilipinas bilang isang tropical paradise. Kaya naman dito sa atin, ang tourism industry ay isang major sector na malaki ang contribution sa pag boost ng economy. Pero dahil nga tropical tayo, madalas ay kailangan nating magtiis sa pagkabilad sa araw o pagkabasa sa ulan habang tayo sa namamasyal.

Kaya naman may ilang local governments, particularly yung mga may tourist hotspots, ang nag-umpisang i-promote ang paggamit ng mga Bajaj Three-wheelers sa kanilang lugar para maging mas comfortable sa pagsa-sightseeing ang kanilang mga bisita. Oo, ito yung mga yellow na trike na naglipana sa Tagaytay.

Dahil may bubong ang Bajaj RE, perfect ito para sa Tagaytay kung saan madalas umaambon. Since hindi ito air conditioned, puwede pa ring ma-enjoy ng mga pasahero ang preskong hangin doon. Cute din ang dimensions ng Bajaj RE kaya lusot ito sa trapik doon lalo na kapag weekends. Hindi rin ito mabibitin kahit paakyat ang mga kalye dahil meron itong 198.88 cc engine na kaya magbigay ng 17.1 Nm. Ang karaniwang tricycle kasi nasa 175 cc lang ang pinaka-mataas na displacement. Lamang din ang Bajaj RE sa space dahil kasya dito ang tatlong regular-sized na passengers.

Bajaj RE: Hindi Lang Pang TODA, Pang Turismo Pa 02

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Kung kailangan naman ng dagdag na hatak at dagdag space para sa mga pasalubong, meron din namang Bajaj Maxima Z, na mas malaking version ng RE. Ang makina naman nito na 236.2 cc ay kayang mag-produce ng 20.45 Nm. At kagaya ng RE, meron din itong built-in radio at MP3 player para puwede kang mag-soundtrip habang nasa roadtrip. Maliban dito, ang isa pang nakaka-aliw na feature ng Bajaj Three-wheelers ay ang manual transmission nila. Ang pag-operate nito ay katulad sa mga geared Vespa noon na may grip shifter. Pero ang pinaka-panalo, may reverse gear ito. Hindi na kailangang bumaba ang mga pasahero para magtulak tuwing aatras.

Bajaj RE: Hindi Lang Pang TODA, Pang Turismo Pa 01

Sa ngayon ay mga Bajaj RE at Maxima Z na rin ang umiikot sa mga tourist spots sa Bohol at Siargao at malamang ay marami pang lugar ang susunod. Ang Trimotors Corporation ang official distributor ng Bajaj Three-wheelers sa bansa at available ang mga ito sa more than 1000 dealerships nila nationwide. Ang Bajaj RE ay may price tag na Php 190,888 while ang Maxima Z naman ay nasa Php 221,888.

Maliban sa pang-pasada at pang-delivery, puwede din kaya itong gamitin na family vehicle na pang probinsya? 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });